Skip to main content

Weather Forecast

Turnover of Equipment to Balsahero Association

Isa sa mga prayoridad natin ay palakasin pa ang turismo sa ating Bayan, kaya naman tuluy-tuloy ang ating mga programa at suporta sa mga samahan gaya ng Balsahero Association at iba pang samahan na instrumento sa pagyabong ng ating turismo.
Bilang suporta sa kanilang samahan ay ipinaabot natin sa pamamagitan ng Tourism Office sa pangunguna ni Senior Tourism Officer, Ms. Benirose Talabucon ang mga safety gears at equipment para sa kanilang kaligtasan at magpapaganda pa ng kanilang serbisyo. Ilan sa ating mga ipinamahagi ay Outdoor Aqua Shoes, Rubber Tire Interior, Uniform, Two-way Radio, Helmet, Life Jacket at Air Compressor. Ito ay upang makakatulong na mas maging ligtas ang ating mga turista sa river rafting adventure.
Sa inyong samahan, nawa’y bigyan ninyo ng patuloy na pagpapahalaga ang mga ito sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng natatanging Serbisyo sa mga turista na sumusuporta sa inyong hanapbuhay. ❤️
#GodBlessReal
#AksyonDiretso