
Tourism Summit 2023
Matagumpay na idinaos ang Tourism Summit bilang selebrasyon ng World Tourism Day 2023 na may temang “Tourism and Green Investments” sa pamamagitan ng Municipal Tourism Section sa pangunguna ni Senior Tourism Operations Officer Benirose Marie Talabucon.
Samantala, nagbigay ng pangunahing mensahe si Provincial Tourism Officer – Nesler Louies C. Almagro.
Bilang bahagi ng programa nakasama dito sina QPTO Senior Tourism Operations Officer G. James Salas at UP Asian Institute of Tourism – Associate Professor Ramon Benedicto Alampay na mga naging pangunahing tagapagsalita upang talakayin ang mga sumusunod na paksa:
•Tourism Awareness 101 kung saan layunin niya dito na bigyang-diin ang mga konsepto/mga pundamental na kailangan sa pag-unawa sa Turismo.
•Regenerative Tourism: Moving beyond Sustainable and Green Tourism.
Matapos ito, nagkaroon naman ng Awarding Ceremony upang gawaran ang mga sumusunod:
•2022 Top Tourist Attraction
•2022 Top Nature-Based Tourist Attraction
•DOT – Accredited Establishment
•Recognition to Local Accredited Community Based Tourism Organization
•Top Tourism Enterprises Business Permit Compliant
Personal itong dinaluhan ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino at miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kons Amelie A. Peñamante bilang SB Chairperson on Committee on Tourism, Culture and Arts at Kons Amanda Sharon Diestro-Domingo na nagbigay rin ng mensahe bilang kinatawan ng ating Halig Punong Bayan, Vice Mayor Doyle M. Diestro, Economist I Ejeel V. Regado, mga may-ari ng resort at kapitan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso