Skip to main content

Weather Forecast

Tour Package Site Validation

SEPTEMBER 22, 2023

Sa pangunguna ni Senior Tourism Officer Benirose Marie Talabucon kasama sina Konsehal Seth R. Almonte, PPSK Larissa Jane Gardose, DOT Accredited Community Tour Guides of Real Quezon, Tour Operators, pinuntahan ng grupo ang mga kilalang tourist spots at pangunahing industriya sa bayan ng Real kabilang na dito ang Maragondon Dragon Grass (Pagawaan ng Walis Tambo) sa Brgy. Maragondon, Water Rafting sa Brgy. Tanauan, Balagbag Falls at Nonok Falls sa Brgy. Malapad, Surfing Sites sa Brgy. Tignoan, Hardin ng Kalikasan (Paggawa ng Papel) sa Brgy. Kiloloron, at Azcarraga Farm (para sa paggawa ng Lambanog) sa Brgy. Cawayan.
Layunin nito na mas maitaguyod pa ang turismo sa pamamagitan ng paggawa ng mga Tour Packages at masiguradong akma ang mga gawain sa mga turistang nagnanais pumasyal sa ating bayan.
Kasama rin sa nasabing Aktibidad sina: ilang miyembro ng RTTI at RTODA na mga tricyle drivers, mga kinatawan ng iba’t ibang samahan at mga tourism staff.