
Tan Aw A Cultural Dance Presentation
Lubos ang paghanga ng inyong lingkod sa galing at talento ng mga kabataang Realeño.
Ipinamalas ng Sining Salambaw Dance Troupe ng Lubayat National High School sa patnubay nina Sir Leo Neil “Totik” Portales katuwang si Mrs. Erica Grace Ferreria at ng kanilang School Head, Sir Rolly Suaverdez ,ang husay sa pamamagitan ng Tan-aw Cultural Folk Dance Presentation upang muling bigyan pagpapahalaga at bigyan nang mas malalim na pagtingin ang mga Cultural Folk Dance na sumisimbulo ng ating mayamang kultura at tradisyon sa larangan ng pag-indak at pagsayaw.
Nakakatuwang isipin na sa kabila ng moderno at makabagong trend ng pagsayaw buhat sa impluwensya ng mga western at mga karatig na bansa ay buhay na buhay pa rin ang ating nakagisnang kultura at tradisyon.
Sa bawat myembro ng Sining Salambaw Dance Troupe at sa mga gurong gumagabay sa kanila- Nawa’y ipagpatuloy ninyo ang inyong hangarin na muling buhayin ang ganitong uri ng mga sayaw upang maipasa pa sa mga susunod na henerasyon.
Bilang Punong Bayan ay higit sa galak at tuwa ang aking nararamdaman habang pinapanood ang inyong mga pagtatanghal. Makakaasa kayo na kami sa lokal na Pamahalaan ay patuloy na susuporta sa inyong mayamang adhikain.
Congratulations sa inyong lahat!
#episodefour
#GodBlessReal
#AksyonDiretso