Skip to main content

Weather Forecast

STREET DANCING AND FESTIVAL PARADE

Aba’y Senior na ang Real!
Nag-aalab sa saya ang mga Realeños sa pagdiriwang ng ika-60 Founding Anniversary ng kanilang bayan ngayong taon, na may layuning alalahanin ang nakaraan at tagumpay ng kanilang mga ninuno.
Sa ikatlong araw ng selebrasyon, hindi nagpainda sa tirik ng araw ang mga kalahok ng parada at street dancing upang bigyang kulay ang bawat sulok ng kalsada sa nasabing bayan.
Personal namang nakisaya si Gov. Doktora Helen Tan, at kaniyang ikinatuwa ang matibay na pagkakaisa ng bawat mamamayan para sa maayos na daloy ng pagdiriwang ng araw ng Real.
Samantala, pinasalamatan nila Mayor Diana Abigail Aquino at Vice Mayor Doyle Joel Diestro ang lahat ng dumalo at naging katuwang sa pagsasagawa ng bawat aktibidad para sa pagdiriwang.