Skip to main content

Weather Forecast

Preparation for National Arts Month Celebration

Ipinahayag ng dating Pangulong Corazon Aquino noong 1991, ang Presidential Proclamation No. 683, dito ay idineklara ang Pebrero ng bawat taon bilang Pambansang Sining. Ang Buwan upang ipagdiwang ang kahusayan sa sining at bigyang pugay ang katangi-tanging pamana at kulturang Pilipino.
Alinsunod dito, ang Lokal na Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Tourism Section katuwang ang KATA- Realeño (Local Artists Organization) at Local Council for Culture and the Arts ay magsasagawa ng iba’t-ibang gawain upang patuloy na palakasin at isulong ang natatanging sining at Kulturang Realeño, na isa sa layunin at hangarin ng ating Punong Bayan.
#DiscovertheRealExperience
#TatakRealeño