Skip to main content

Weather Forecast

Paskong Realeño : Bitbit ay Pagmamahal at Pag-asa

PLEASE SHARE | Hatid ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang Tourism Section ang “Paskong Realeño : Bitbit ay Pagmamahal at Pag-asa”.
Samahan po ninyo kami sa isang punong-puno ng kaganapan sa Disyembre 8, 2023, sa muling pagpapailaw ng ating Christmas Tree. Bukod pa rito, ang ating Christmas Bazaar ay bukas mula Disyembre 8 hanggang Disyembre 22, 2023.
Huwag rin palampasin ang kasiyahan sa Huntahan at Kainan sa Disyembre 8, 16, at 22, kung saan makakasama dito ang ating mga local bands upang muli tayong pasayahin.
Kita-kits mga Realeño!
Sa mga nakapag-register na po para sa Christmas Bazaar, kung may karagdagan pa po kayong katanungan, maaaring makipag-ugnayan na lamang po kay Gng. Michelle C. Abella sa Mayor’s Office.
Ipinapaalala rin po na huwag kalilimutan na magdala ng sariling bombilya, lamesa, bangko, lagayan ng inyong mga paninda at sariling basurahan para sa inyong gagamiting puwesto.
Hinihikayat po sa mga dadalo at makikiisa sa ating Christmas Lighting na magsuot ng damit na pula at magdala rin po ng payong.
Maraming salamat po.
#PaskongRealeño2023
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso