Skip to main content

Weather Forecast

Pabatid!!

Sa lahat po ng biyahero /turista na tatawid papuntang Polillo, Burdeos, Jomalig at Patnanungan:
“RELAXED SCHEDULE” po ang mga byaheng Polillo. Ang mga oras po ng byahe na 4:30am, 4:45am, 5:00am, 5:30am, 9:30am at 12:00pm ay maaring mas maagap na umalis kapag napuno na ang RORO O Fastcraft. Maari din po silang bumalik, Real to Polillo and Vice Versa anytime lalo na kapag marami ang mananakay.
Simula po sa Lunes MArch 25, 2024,”FIRST COME FIRST SERVE” PO pagdating sa mga sasakyan na isasakay sa mga RORO. Magbibigay po kami ng number per Shipping Lines (SYVEL 808, STARHORSE at CALUCIN IV) para sa mga four wheel vehicles.
Sa mga motorsiklo “FIRST COME FIRST SERVE” din po at numbering system din.
Pakihanda po ang OR/CR ng inyong mga sasakyan para sa pagkuha ng clearance sa Coast Guard.
Ihanda rin po ang kaukulang terminal fee para sa inyong mga sasakyan 4 wheels – Php 70.00, motorcycle Php 20.00 at sa tao Php 10.00
Nagkaka-iba-iba po ang pamasahe per Shipping Lines!
Four Wheels – Php 2,000.00
Motorsiklo – Php 500.00 to 700.00
Per Person – Php 225.00 to 300.00
Maaari po kayong direktang mag message sa kanilang facebook page.
Sa mga pa Jomalig po, direkta pong imesage kay Rhuel Rodriguez para sa inyong inquiries.
Para sa iba pang katanungan o concerns, magmessage lamang po sa fb page ng Port of Real.
Maraming salamat po!