
Official Candidates para sa Ginoo at Binibining Niyogyugan 2023
Ipinakilala na ang 24 na Ginoo at 29 na Binibini, ang Official Candidates para sa Ginoo at Binibining Niyogyugan 2023. Ito ay sa naganap na programa na Orientation of the Candidates & Handlers and Sashing Ceremony noong araw ng Sabado, Hunyo 24 Queen Margarette Hotel, Lungsod ng Lucena.
Nasulyapan na natin isa-isa nang humarap ang naggagandahang mga Binibini at ang matitikas na mga Ginoo. Bilang umpisa na rin sa paghahanda para sa Niyogyugan Festival 2023 na mangyayari ngayong Agosto. Nagpakita naman ng suporta si Chairperson Committee on Tourism Board Member JJ Aquivido na aasahang maipapakita ng mga Candidates ang kanilang kagandahan, tikas at talino.
Ang mga gawain ito ay sa pangunguna ni Quezon Provincial Tourism Officer Nesler Louies Almagro. Ito ang kauna-unahang magkakaroon ng patimpalak para sa Ginoong Niyogyugan at ang muling pagtatanghal ng Binibining Niyogyugan matapos ang apat na taon dahil sa pandemya. Kaya samahan pa natin at suportan ang ating mga Official Candidates sa Ginoo at Binibining Niyogyugan 2023!
Samantala. tutukan pa natin ang iba pang mga gawain sa darating na Agosto para Niyogyugan Festival 2023.