
Muling pagbubukas ng nominasyon para sa Gawad Realeño
Pagbati sa lahat!
Nais pong ipabatid ng Lokal na Pamahalaan ng Real sa pangunguna ng ating punong bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino ang muling pagbubukas ng nominasyon para sa Gawad Realeño.
Ito po ay nahahati sa dalawang kategorya, ang:
1. Indibidwal na Kategorya
2. Samahan/Organisasyon na Kategorya
May nakalaan pong pamantayan sa bawat kategorya na inyong magiging gabay upang malaman kung maaring maging nominado ang isang Realeño o ang samahan/organisasyon.
Kung kayo po ay may kilalang Realeño o alam na samahan/organisasyon na may natatanging kontribusyon sa mga sumunod na larangan ay maari kayong magpasa ng nominasyon kalakip ang mga dokumentong magpapatunay sa kanyang kontribusyon.
Indibidwal na Kategorya
A. Akademiko
B. Serbisyong Publiko at pamamahala
C. Pagkakawanggawa
D. Sining, Kultura at Pampalakasan
Samahan/Organisasyon na Kategorya
A. Pangkabuhayan
B. Kooperatiba
C. Pang-kasariang Organisasyon
D. Maka-Kalikasang Samahan
E. Sining at Kultura
Para sa indibidwal na nominasyon, mangyari pong makipag-ugnayan at magsumite kay G. Jeric Prudente-Punong Guro ng Tignoan Elementary School na may teleponong 0929-196-7231 at e-mail address na jerick.prudente@deped.gov.ph.
Para naman po sa Group/Asosasyon/Samahan na nominasyon, maaari pong makipag-ugnayan at magsumite kay Gng. Maan Abella Calzado, Municipal Mayor’s Office na may teleponong 0961-260-9877 at email address na abellamaan@gmail.com.
Ang nominasyon po ay mula May 2 hanggang May 18 at ang deadline po ay May 19, 2023, Biyernes, ganap na ika 4:00 ng hapon.
Maraming salamat po.
#GawadRealeño2023
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Mockup by crowf on Freepik