Skip to main content

Weather Forecast

Kauna-unahang Realeño Local Surfing Contest sa bayan ng Real

Makisabay sa alon sa kilalang Surfing destination ng lalawigan ng Quezon!
Nagpaabot ng suporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa isinagawang kauna-unahang Realeño Local Surfing Contest sa bayan ng Real sa pangangasiwa ng Realeño Surfing Association (RSA) sa pangunguna nina Ms. Naelah Amboy, Ms. Mj Villaruz, at Mr. Abdel Elecho katuwang ang Local Government Unit (LGU) ng nasabing bayan.
Layunin nitong mahikayat at makilala ang Local Surf Athletes sa probinsya at maging aktibo sa mga ganitong klaseng aktibidad.
Naisakatuparan ang programang ito sa tulong ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Real sa pangunguna ng kanilang Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino, sa pangangasiwa ng Real Tourism Section.
Bisitahin ang bayan ng Real at mamangha sa tinatago nitong ganda!