Skip to main content

Weather Forecast

Implementation of Tourism User’s Fee Meeting

Review of the Implementation of TUF Ordinance
Sa pangunguna ni Senior Tourism Officer Benirose Marie Talabucon katuwang ang Technical Working Committee, ay nagkaroon ng pagpupulong patungkol sa implementasyon ng Municipal Ordinance No. 37, S-2022 na may kinalaman sa pangongolekta ng Tourism User’s Fee.
Dito ay kanilang tinalakay ang mga kahalagahan nito gayundin ang mga paglalaanan ng pondo na manggagaling dito. Masusing pinag-aralan ng mga miyembro ang mga isyu upang mas mapalawig pa ang implementasyon nito.
Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ni SB Committee Chairperson on Tourism Kons. Amelie A. Peñamante, Municipal Treasurer Larry L. Borreo, Budget Officer II Jasper C. Ambal, Economist I Ejeel V. Regado, BPLO Enrico J. Rutaquio, Grace Supremo bilang kinatawan ni PESO Manager Ildefonso A. Cleofas, Jr., at Mhonalyn C. Baletar bilang kinatawan naman ni MENRO Bryan E. Potestades.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso