Skip to main content

Weather Forecast

Float Design Contest

Mga kababayan, Niyogyugan na! Kaugnay nito, ang lahat ng Realeñong may angking talento sa pagdisenyo ay inaanyayahan na makilahok sa patimpalak ng pagdisenyo ng magiging float ng ating bayan.
Iguhit ang inyong konsepto, isama sa disenyo ang paglalarawan at mga materyales na gagamitin. Ang inyong entry ay mahigpit na ipinagbabawal na mai-post sa anumang social media account.
Sa pagpapasa ng inyong entry, isama ang pangalan ng kalahok, numero ng telepono, address ng tahanan at email address sa ibabang bahagi ng entry. Dapat na i-email ang mga digital na kopya sa tourismrealquezon@gmail.com, na may linya ng paksa na “2023 NIYOGYUGAN REAL FLOAT Concept.” Ang mga disenyong iginuhit ng kamay ay dapat isumite kay G. Domingo Espina, Tourism Staff sa Tourist Assistance Center, La Rosa Street, Poblacion 1, Real, Quezon.
Tunghayan sa mga larawan ang kabuuang guidelines nito.
#RealeñoDisiplinado #RealeñoProduktibo
#GodBlessReal #AksyonDiretso