Skip to main content

Weather Forecast

Cultural Community Tour Guiding

Cultural Community Tour Guiding
Mabuhay!
Matagumpay na nagtapos ngayong araw ang dalawampu’t pitong (27) Tour Guide na siyang magiging katuwang ng Lokal na Pamahalaan sa mga gawaing panturismo sa ating bayan. Sila ay sumailalim sa pitong (7) araw na ng masusi at hitik na pagsasanay sa isinagawang Cultural Community Tour Guiding Training. Ang training na ito ay sa atas ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino at isinakatuparan ng Tourism Office sa pangangasiwa ni TOO Benirose Marie V. Talabucon, katuwang ang Department of Tourism Region IV-A CALABARZON.
Naging mahusay sa kaniyang pagtuturo si G. Romano Del Rosario-DOT Trainer. Kaniyang masusing tinalakay at itinuro sa kanila ang mga tamang pamamaraan ng pakikitungo at pagharap sa mga turista na kanyang hinahawakan, gayundin ang mga kailangang katangian ng isang mahusay na Tour Guide.
Dumalo sa programa si Municipal Administrator Rainier V. Aquino bilang kinatawan ni Mayor Bing Diestro Aquino at TOO II Keneth De Gracia-DOT-IV CALABARZON.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso