
Collection of Tourism User’s Fee
Please share | Collection of Tourism User’s Fee
Simula Mayo 12, 2023, ganap nang ipapatupad ang Municipal Ordinance No. 37, S-2022, batay sa Implementing Rules and Regulations nito na nagsasaad ng mga sumusunod:
Ang Tourism User’s Fee ay kokolektahin mula sa bawat turista o bisita pagka-check in sa accommodation establishment, o ng awtorisadong kinatawan ng Municipal Treasurer’s Office na nasa mga natukoy na satellite collection site.
Ang halaga nito ay:
a) Forty Pesos (P40.00)
b) Thirty Two Pesos (P32.00) – sa mga Senior Citizen, PWD, estudyante, ipakita lang ang kaukulang ID
Hindi kasali sa sisingilan ang mga sumusunod:
a) Realeño na permanenteng naninirahan sa Bayan ng Real, ipakita ang patunay ng paninirahan.
b) Mga hindi-residenteng wala pang pitong (7) taong gulang.
c) Mga opisyal/tauhan ng gobyerno na inimbitahan ng Lokal na Pamahalaan para sa isang opisyal na tungkulin, ipakita ang hard copy ng imbitasyon.
Ang lahat ng nakolektang Tourism User’s Fee ay magiging bahagi ng kita ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ng General Fund. Ito ay ilalaan sa pagpapatupad ng mga plano, programa at mga gawaing panturismo, pamamahala sa kapaligiran, magkaroon ng maayos na imprastraktura at serbisyo sa kaayusan, kapayaan at kalinisan.
Ang mga may-ari/operator ng mga resort, hotel, cottage rental o anumang iba pang tourism accommodation o establishment na nagpahintulot sa mga bisita/turista na manatili nang hindi nagbabayad ng TUF ay may kaukulang kaparusahan:
a) First Offense – Multang P500.00 para sa bawat turista
b) Second Offense – Multang P1,000.00 para sa bawat turista
c) Third Offense – Pagkansela o pagbawi ng Business Permit
Ang Punong Bayan bilang Lokal na Punong Tagapagpaganap ay magpapataw ng mga parusang administratibo sa sinumang lalabag sa ordinansa at lRR nito.
#GodBlessReal
#AksyonDiretso