Weather Forecast

1ST QUARTER COORDINATION MEETING OF THE LOCAL TOURISM OFFICERS OF QUEZON PROVINCE AND SAMATO QUEZON IMMERSION TOUR

Tingnan ang kuhang larawan nitong March 10, 2023 sa Playa de Lucia Atimonan, Quezon kung saan nagkaroon ng 1st Quarterly Meeting ang mga Tourism Officers sa iba’t- ibang Munisipalidad sa Lalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Mr. Nesler Louies Almagro, Provincial Tourism Officer. Dito ay tinalakay ang paghahanda sa mga nalalapit na aktibidad na nakatuon sa Agri-Tourism at binigyan din ng pansin ang mungkahi ng bawat isa upang mas lalo pang mapaunlad ang turismo ng bawat bayan sa Probinsya ng Quezon.
Samantala, nagkaroon din ng SAMATO Quezon Immersion Tour na inihanda ng Atimonan Tourism Office sa pamumuno ni Atty. Elvis S. Uy at pakikipag-ugnayan sa Atimonan Historical Society, dito ay inilibot ang mga Tourism Officers sa mga ipinagmamalaking imprastraktura at proyekto ng ating bayan, ito ay ang mga sumusunod: Tourism Warehouse sa Brgy. Talaba, Our Lady of the Angels Parish Church, National Agency Center, Atimonan Baypark, Multi-Purpose Shelter, Operation Center of MDRRMO, Vertical Garden along Juez Andrez St. at ang ating Bulwagang Balagtas.
Ito ay lubos na sinusuportahan ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Ticoy Mendoza kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Nida Veranga na may layuning mas mapakilala pa ang yanong ganda at siglang bayan ng Atimonan sa mga karatig bayan.
#1stQuarterCoordinationMeeting
#ProvincialTourismOfficers
#YanongGandaAtSiglaSaBayanNgAtimonan
#MakabagongAtimonan

ABOUT US

The Municipality of Real is a 1st class coastal Municipality in the Province of Quezon. Facing Lamon.....

NEED HELP?

Call Us

042-536-7481

Mobile Number

0946-089-3169

Email for Us

tourismrealquezon@gmail.com

FOLLOW US


© 2021. Visita Real, Real Quezon. All rights reserved.