Skip to main content

Weather Forecast

127th RIZAL DAY CELEBRATION

Pinagdiwang ngayong araw ang Ika-127 taon ng Kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal, Disyembre 30, 2023, sa pangunguna ng Ungos Elementary School.
Nag-alay din ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa pangunguna ng Philippine Coast Guard. Ang pagdiriwang ay sa bisa ng RA 345 (Feb. 1, 1902) ay opisyal na idineklara ang bawat ika-30 ng Disyembre bilang Rizal Day, isang National Holiday.
Nagbigay ng mensahe ang ating Panauhing Tagapagsalita na si Atty. Jefferson F. Paril.
Dumalo sa mahalagang kaganapan na ito si Kons. Amelie Peñamante na nagbigay ng mensahe para sa ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino kasama sina Kons.Amanda Sharon D. Domingo, mga opisyal at empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Real at gayundin ang mga kinatawan ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan.
Alalahanin natin ang mga aral at kontribusyon ni Dr.Jose Rizal sa ating bayan. Sa ating pagninilay, unawain natin ang kahalagahan ni Rizal sa kasaysayan ng ating bansa. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang kabayanihan para sa bawat isa sa atin na kumilos nang makatarungan at para sa ikabubuti ng ating pamayanan at bansa.

#AksyonDiretso